Skip to Content

Drawer Guide Clearance

By Benjie Inocencio

Nagulat ako minsang nagbukas ako ng page natin at may nabasa ako na nagtatanong kung ano nga ba ang tamang clearance ng drawer guide. Siguro dahil sobrang generic nang issue nayan kaya hindi ko na pansin masyado. 

Buti na lang at maraming members dito ang helpful sa pagshare ng knowledge. May isa lang akong napansin. Lahat sinasabing magbigay ng 1” clearance ng drawer box mula sa loob ng cabinet carcass.

Actually, para mabuo natin ang drawer box sa tamang sukat dapat alam natin ang mga tamang putol. Pero bago natin maintindihan kung ano ba ang mga tamang putol, dapat siyempre alam natin ang tawag sa mga piyesa na bumubuo ng isang drawer box.

FACE DRAWER

Ito yung pinakaharap ng drawer. Dito natin nilalagay ang drawer pulls o mas kilala sa tawag na handles.

DRAWER SIDES

Ito yung magkabilang gilid na drawer kung saan natin kinakabit ang mga drawer guides natin

DRAWER ENDS

Ito ang pinaka critical sa lahat na piyesa ng drawers. Sa mga modular cabinets dalawa yan, isa sa likod at isa sa harap. Sa mga tradional na drawers, isa lang yan, nasa likod. Ang tawag jan ng mga matatandang karpentero drawer rear o drawer back. Ito rin ang drawer component na nagbibigay ng tamang clearance para makuha natin ang sinasabing 1’ allowance ng drawer box natin mula sa lalagyang cabinet.

DRAWER BOTTOM

Ito naman ang pinaka sahig ng drawer natin. Usually ¼ plywood o ½ plywood ang ginagamit natin jan.

Paano ba natin makukuha ang saktong 1” allowance? Ganito ang napansin kong ginagawa ng karamihan: Una, susukatin nila ang loob ng carcass. Sabihin nating 20” ang rehistro ng metro. Pagtatabihin nila ang dalawang drawer side at ilalapag sa 19” ang guhit ng metro at babasahin ang natirang sukat mula sa kapares na drawer side, 1-3/8” ang total ng dalawang plyboard kaya 17-5/8” ang kailangan mong putol ng ends. Pagkatapos mo assemble yan, 19” ang total outside dimension ng lapad kaya sakto ang drawer guide, bata eskwalado ang carcass at ang drawer box, isa ka nang suma cum laude sa paglapat ng drawer. Kaso paano kung naka Automotive paint finish ang cabinet mo o kaya naka laminate ka? Pag ganyan ang Sistema mo, sigurado magkakatam ka ng pang doctorate degree nyan.

Hindi ko naman sinasabi na ito ang tamang paraan, pero ganito ko ginagawa ang paglalapat ko ng drawer guide. Concentrate muna tayo sa pinaka basic na drawer guide na available sa market, ang three section full extension drawer guide. Imbes na magsukat pa muna ako ng magkadikit na drawer side, kinukuwenta ko na agad ang lahat ng dapat bawasin para makuha ko ang eksaktong putol ng drawer end. May tatlong sukat lang akong tinatandaan: 62, 64, at 66.

Dito sa amin sa Journey WoodBlock, tinuruan ko ang mga tao ko na millimetres ang gamitin naming pambansang sukat. Madaling mag divide, madaling mag multiply, madali mag subtract at mas mabilis mag add.

Pag ang project namin Varnish ang finish, less 62mm ang carcass interior, yun na ang putol ng ends. Pag Automotive paint finish, less 64mm naman, at pag laminates less 66 agad. Sa ganitong pagsusukat namin, ang lumalabas na clearance ng drawer box naming mula sa carcass interior ay 26mm. 25.4mm ang saktong 1” pero ibigay na natin sa drawer guide natin ang 0.6mm na clarance para may tag 0.3mm sila na play kabilaan.

Kung sakaling may mga gumagamit ng mga undermounts na drawer guides, 10mm total naman ang ginagamit kong clearance para generic ang clearance para sa kahit anong brand tulad ng Blum, Salice, Grass, Blueware, etc. Siguraduhin lang na ang drawer sides natin ay nasa pagitan lang ng 12-15mm just to make sure it will fit all. Kung 18mm din ang panggagalingan, rabbet natin o kaltasan ng 3-5mm para mag fit sa undermounts.

Para next time ka gagawa ng isang project na may drawer, kahit hindi pa dumadating ang delivery mo ng mga plyboards, pwede ka na agad gumawa ng mga drawer boxes mula sa mga scrap na natira sa nakalipas mong project. Sana nga lang standard na 18mm ang nabibili mong plyboard. May article ako tungkol sa mga boards, pwede nyong hanapin at basahin kung di nyo pa yun nakikita.

e...

Originally published on Woodworkers Philippines FB Page: https://www.facebook.com/legacy/notes/1518314778286450/