Bilang isang karpentero, ang pinakaimportanteng dapat natin yatang alam ang magsukat. Hindi lang ang pagsusukat para malaman ang isang haba o kapal o lapad ng isang piyesa, kung hindi ang tamang tawag sa gilid na susukatin.
Paano ba tayo dapat magsukat?
1. Table
Length – width -height. Yan ang general format ng mga sukat para sa isang lamesa. Auxiliary na sukat ang thickness na para sa top at legs. Thickness and width naman ang para sa apron o senepa.
2. Chair
Seat depth, seat width, final height (floor to top of backrest) seat height (floor to top of seat) thickness para sa mga components tulad ng senepa, rear leg, front leg at stretchers ( yung mga auxiliary na senepa na nakamitsa sa bandang baba ng mga seat legs na masarap tuntungan kahit nasa sides)
3. Bed
Head board height, headboard width, headboard thickness, Bed frame height (yung taas ng side panel ng kama) side panel thickness, side panel width, side panel length, End Panel Height, at End Panel width. Thickness para sa mga poste o legs.
4. Cabinets
Dito maraming sumasablay. Nagkakalituhan ano ang width at yung iba thickness o kapal ang nagagamit na term para sa depth. Ito ang mga tamang tawag sa general format ng pagsusukat ng cabinet:
A. Width: ito ang sukat pag nilatag mo ang metro left to right.
B. Height: ito naman ang latag ng metro floor to top
C. Depth: ito ang latag ng metro mula sa likod ng cabinet papunta sa harap, kung nasaan ang face drawer o pinto. Hindi ito ang width at lalong hindi thickness ang tawag dito.
Ito pa ang ilan sa mga kailangan tandaan para makapagpaliwanag tayo sa hindi karpenterong tulad natin. Walang depth ang kahit anong table top na napapaligiran ng open space, tulad ng island, bar, at dining table at kung meron pa kayong maisip na iba. Width ang tawag dun. Sa mas madaling paliwanag, width ang tawag sa sukat ng kabisera ng rectangular table, length naman ang side kung saan nakaupo ang karamihan. Ang mga tables na console, bedside or night table, dresser at iba pang katulad nito ay may depth, width, and height. Walang length.
Ang mirror frame na nakasabit sa wall, may height, kahit hindi nakasayad sa sahig, may width (from left to right) at may thickness (kapal ng frame mula sa harap papuntang wall, hindi naman depth ang tawag dun.
Ang bench na walang sandalan depth naman ang tawag mula sa babanggaan ng iyong alak-alakan hanggang sa dulo ng malaki mong puwet. Hindi yun thickness at mas lalong hindi yun width o lapad, length naman ang from left to right o ang nagbibigay ng bilang kung ilanan ba ang jeep na sinasakyan mo. Siyempre meron din height yan na sigurado akong alam mo kung paano susukatin.
Dapat napa-practice natin ang mga bagay na ito bilang isang karpentero. Sa pamamagitan nito, magiging malinaw an gating gagawing paliwanag lalo na sa mga clients natin. Maiiwasan ang pagkakalito at higit sa lahat mas professional ang dating. Hangarin ng page na ito na makapagbigay kaalaman sa bawat isa.
Originally published on Woodworkers Philippines FB Page: https://www.facebook.com/legacy/notes/1518315454953049/