SHOP TIP: Paano hatiin ng pantay ang mga pagitan ng PARTITIONS at FIXED SHELVES
Partition ang tawag sa piyesa ng cabinet na naghahati sa isang space para maging dalawa, tatlo, o higit pang spaces. Dito maraming nasisira sa sukatan kaya kadalasan, ang mga drawer boxes natin at mga pinto ay hindi kayang magkapalit-palit, resulta, napipilitan tayong lagyan ng labels ang mga ito para hindi maligaw ang bawat lokasyon ng drawers natin at mga pinto.
Paano nga ba ang pinakamabilis na paghati ng mga ito? Dito sa Journey WoodBlock, pagtapos naming matabas at maihanda ang lahat ng pyesa (components), binubuo na namin sumunod ang 5 basic components ng carcass, ang sides, bottom, baseboards, at stretchers kung hindi man ang immediate top ang kailangan nakalagay.
Kung may tatlong partitions na kailangan para makapag produce tayo ng apat na spaces sa pagitan, pinagtatabi tabi namin ang mga partitions sa isang gilid ng carcass saka sinusukat ang total na interior distance at yun ang hinahati namin sa apat. Ganun din ang step na ginagawa namin sa pagkuha ng pagitan ng mga shelves, o maging ang rows ng drawers.
Alam kong marami naman na dito sa atin ang nakakaalam ng ganintong paraan, pero para sa mga hindi pa nakakasubok ng ganito lalo na sa mga beginners, maiiwasan na natin ang markahan pa ang gitna ng partition natin para itama sa guhit ng lapis na kadalasan na iginuguhit sa edge ng bottom at stretcher. Makapagbigay sana ng karagdagang kaalam ang shop tip na ito. Maraming salamat po.
Originally published on Woodworkers Philippines FB Page: https://www.facebook.com/legacy/notes/1518312451620016/