Skip to Content

Understanding HPL (High Pressure Laminates)

By Benjie Inocencio

Anong Gasul gamit nyo? Solane o Island Gas? Sa amin Fiesta Gas. May mali sa tanong eh, nakakaaliw din naman ang mga sumsagot sa tanong na mali. Bukod sa Gasul na brand ng Petron para sa mga LPG o light petroleum gas, ang mga HPL na yata ang isa sa mga pinaka mistaken identity sa woodworking world. Walang biro, kahit sa mga napuntahan kong ibang bansa may mistaken identity din ang HPL.

May recent thread tungkol sa HPL. Ang tanong kung pwede daw countertop yan. Nakakatuwa na marami ang sumagot, nagbigay ng mga akala at mga tamang sagot. Yun naman ang pinopromote ng page natin eh, magshare ng mga ideas.

Anyway, ang HPL o High Pressure laminate ay isang klase ng material na gawa sa tatlong layers ng mga papel. Kraft paper ang gitna at dun nakaprint ang woodgrain o ang solid color o anumang design, sa ilalim kraft paper din na ibinabad sa resin at ang papel naman sa ibabaw na tinatawag na overlay ay hinaluan ng melamine para maging scratch resistant at tumibay sa wear and tear ang HPL. Inilalagay sa press machine ang layered papers na ito at niluluto sa init na 120degree centigrade at 1500 pounds per square inch sa isang magkasabay na proseso.

Formica ang nakasanayang gamitin ng karamihan para kilalanin ang HPL, pero brand ang Formica tulad din New Myka, Accent, Greenlam, Multiform, Merino, Unica, Lamitak, Optima at siyempre, ang pinakamatibay sa lahat ng HPL dahil sa limang layers ng papel ang composition nito, the one…the only… Wilsonart na una ring nagpasikat sa HPL postforming o pagbend nito para gawing kitchen countertops.

Siguro dahil Formica ang unang gumawa ng HPL kaya ganun, at Formica din ang unang laminate na nakasampa sa mga Pier ng Metro Manila sa lahat ng brands ng HPL sa buong mundo. May naging comment na ako dati sa page natin tungkol sa laminates at mga properties nito, pero maraming bago sa group natin kaya naisip ko na magpost ng ganitong information. Aksidente lang na naimbento ang HPL ng isang electric company, gumagawa kasi sila ng materyales para panghalili sa Mica, isang insulator ng kuryente, na tinawag na "for mica replacement" na naging FORMICA na nga ngayon.

Pwedeng gamiting countertop ang HPL dahil water resistant ito (hindi water proof) , matibay din sa init pero may mga temperature limits ang bawat brand. Pagnababad sa tubig, nagsisimulang kumulubot ang surface nito. Pag nainitan naman ng hindi pa naka-laminate, rumorolyo ito. Pwedeng mabasa ang HPL hindi lang pwede ibabad siguro ng isang buwan sa tubig 😉. Yung gilid ng shop naming mga reject na panel boards na may ballot na HPL na mali ang sukat o mali ang HPL na naidikit, three years na pero wala pa rin naman pagbabago nauulanan at naaarawan. Ang mga fastfood HPL ang karamihang table top, pati ang mga canteen sa schools at opisina, kahit sa mga ilang karinderya. Nauubos na lang ang kulay sa tagal pero nananatiling nakadikit pa rin.

Sana sa lahat ng makakabasa ng post na ito, matutunan po natin na gamitin ang terminong HPL or even just “laminate” instead of saying pormika, para pagbumili tayo ng LPG na Solane, hindi tayo pupunta sa Petron, Gasul ang tinda dun 🙂

Originally published on Woodworkers Philippines FB Page: https://www.facebook.com/legacy/notes/1414923855292210/